Manila, Philippines – Hindi takot si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kay Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Ayon kay Mabilog, hindi siya nangangamba sa kanyang buhay dahil wala naman siyang iligal na ginagawa.
Giit pa ni Mabilog, igagalang niya ang direktiba ng Pangulong Duterte kay Espenido.
Itinanggi rin ni Mabilog na sya ay protektor ng droga matapos siyang mapasama sa listahan ng mga narco-politician na hawak ni Pangulong Duterte.
Nauna nang nadawit si Espenido sa kontrobersyal na pagkamatay Ni Albuera Mayor Ronaldo Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. dahil sa iligal na droga.
Facebook Comments