Iloilo City Mayor Jed Mabilog, pina-background check ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pina-background at pina-lifestyle check ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na kabilang sa kaniyang narco list.

Sa panunumpa oath taking ceremony sa MalacaƱang, sinabi ng pangulo na nagpahayag siya sa mala-palasyong bahay ni Mabilog.

Inamin din ng pangulo na natanggap na niya ang kahilingan ni Mabilog na makausap siya pero wala itong nasabi kung pagbibigyan niya.


Magugunitang ilang beses nang sinabi ng pangulo na drug protector si Mabilog sa Iloilo, bagay na mariin itinatanggi ng alkalde.

Facebook Comments