One strike policy, ipapatupad ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Itiniyak ni Bureau of Custom Commissioner Isidro Lapeña na ipapatupad niya ang one strike policy sa ahensya.

Ayon kay Lapeña, tatanggalin na agad ang mga empleyadong sasangkot sa katiwalian kahit na first offense pa lamang.

Sinabi rin ni Lapeña na bubuo siya ng isang counter intelligence unit na magmomonitor sa mga opisyal at empleyado ng customs na sangkot sa suhulan at katiwalian.


Hihingin rin aniya niya ang tulong ng intelligence agencies gaya ng intelligence service of AFP.

Apela pa ng commissioner sa publiko na tumulong sa pag-aresto sa mga tiwaling taga-customs.

Aniya, bibigyan niya ng pabuya ang magsasagawa ng citizen arrest.

Facebook Comments