Iloilo consumer groups sa SC: kapakanan ng mga residente ang isaalang-alang sa pagdedesisyon sa kaso ng PECO at More Power

 

Mismong mga consumers at mga residente ng Iloilo City ang umaapela sa Korte Suprema bilang final arbiter sa legal issue sa pagitan ng dalawang dstribution utility na More Electric and Power Corp at Panay Electric Company(PECO) na magdesisyon sa kaso na may pagsaalang-alang sa kapakanan ng may 65,000 power consumers ng lalawigan.

Ang pahayag ay ginawa ng pinakamalaking transport cooperative sa lalawigan kasunud na rin ng hindi pa nareresolba na legal issue sa pagitan ng dalawang power firm.

Ang More Power ang sya nang bagong nangangasiwa sa pagsusupply ng kuryente sa Iloilo City na nabigyan ng legisltive franchise mula sa Kongreso,business permit mula sa Iloilo City Government at Certificate of Public Convenience and Necessity(CPCN) mula sa Energy Regulatory Commission(ERC) subalit kinuwestiyon ng PECO ang pagtakeover sa kanilang negosyo bilang unconstitutional na nakabinbin pa rin sa SC.


Ayon kay Halley Alcarde, General Manager ng Western Visayas Transport Cooperative(WVTC) na bagamat may 6 na buwan pa lamang ang More Power bilang power supplier ng lalawigan ay malaking kaibahan at kaginhawan na ang kanilang nararanasan kumpara sa ilang dekadang pahirap na dinanas nito sa serbisyo ng PECO.

“alam namin na legal issues ito, mga batas ang syang pagbabatayan ng ating mga mahistrado pero sana ang aming apela lamang bilang mga consumers ay iprayoridad at tignan din ang kalagayan noon at ang malaking kaibahan ngayon sa power supply sa Iloilo. Sa totoo lang kami ay parang nabunutan ng tinik, nasolve ang aming reklamo sa problema sa kuryente at ito sana ang sya ding makita ng SC”paliwanag ni Alcarde.

Bilang patunay umano na ikinatutuwa ng mga residente ang pagpapalit ng power supplier at pagtake over ng More Power ay maaari umanong tignan ang mga social media accounts ng power firm dahil makikita dito ang mga mensahe ng papuri at hindi reklamo.

“may mga brownouts pang nararanasan sa Iloilo pero scheduled power interruption na ang mga ito at may abiso kung hanggang anong oras, malayo noon na nawalan ng kuryente, hindi mo alam kung bakit at inaabot ng ilang araw. Nakikita namin na natutugunan na ang problema hindi yung sa PECO na walang pag aksyon”dagdag pa ni Alcarde kung saan sya mismo ay saksi sa mabilis na pagtugon ng kumpanya sa reklamo.

Samantala sinabi ni Francis Gentoral,Executive Director Iloilo Economic Development Foundation, Inc na bagamat nasa transition phase pa ang pamamahala ng More Power ay makikita na na may accountability at transparency sa ginagawa nito at mahalaga na nakukuha na ng mga consumers ang tamang serbisyo sa binabayaran nito.

Bilang isang grupo na nanghihikayat ng mga investors sa lalawigan sinabi ni Gentoral na kapansin pansin ang mga pagbabago sa power system sa Iloilo City sa ilalim ng More Power at kung dati ay may mga investors ang umaatras kapag nakikita ang estado ng supply ng kuryente, sa ngayon ay positibo ang reaksyon ng mga investors sa ginagawang pagsasaayos ng bagong power firm.

Una nang sinabi ni More Power President Roel Castro na aabutin ng 3 taon bago tuluyang mamodernisa ang kabuuan ng power system sa Iloilo City sa tulong na din ng kanilang inilatag na P1.8B modernization program, gayunpaman, ang mga pangunahing problema gaya ng mga pagpapalit ng mga sisr sira at lumang pasilidad ay kanila nang nasimulang ayusin.

Bagamat nasa ilalim ng COVID pandemic ang bansa ay hindi ito naging hadlang para iusad ang mga pagawain sa power system sa Iloilo City, mula nang pagtakeoverng More Power noong Pebrero 2020 ay naupgrade na nito ang 100 distribution transformers, napalitan ang mahigit sa 100 electric poles at isinaayos ang 97 hotspot connectors, napalitan ang lahat ng switchboards at transformers sa lahat ng 5 substations, at pagpapalit ng depektibong electric meters sa may 15,000 residente.

Sa technical study na ginawa ng Miescor Enginering Services Corp ay una na nitong sinabi na manually operated ang mga pasilidad na ginagamit ng PECO na karamihan ay ginawa pa noong 1960s, dahil hindi na ito akma sa panahon ay maaaring pagmulan ng sunog lalo at nakitang umaandar sa 90% capacity ang load ng mga power substations na dapat ay 70% lamang.

Maliban sa mga consumer group, ilang multi sectoral groups din ang nauna nang nagpahayag ng suporta sa More Power kabilang na ang simbahan, teacher groups at trasport sector.

“From visibility, transparency, rapid response, courteous personnel, to leading a transformational impact in the campaign to rid Iloilo City of power thefts, the new utility distributor is creating change”pahayag ni Pastor Nestor Gonzales.

Facebook Comments