Bumuwelta si Iloilo City Mayor Jerry Treñas kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ito ay may kaugnayan sa isang tweet ni Locsin na kinukwestyon ang alkalde kung bakit nito isinisisi sa kaniyang mga ‘pasaway’ na kababayan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Paglilinaw ng alkalde, hindi niya intensyong sisihin ang mga residente ng Iloilo.
Iginiit ni Treñas na sinisikap nilang protektahan ang kanilang mga kababayan at naghahanap sila ng paraan para ma-flatten ang curve sa lungsod.
“I know you do not know how to work in the LGU since you have never run a city. Iloilo City is much better than what you think because here, we all work together,” dagdag ni Treñas.
Banat ni Treñas kay Locsin, sa halip na tumulong sa paghahanap ng paraan na malabanan ang pandemya, nakikisawsaw lamang ang kalihim sa anumang isyu at pinapalabas lamang na matalino lamang siya sa paggawa ng mga “nasty comment.”
Nabatid na inilagay ang Iloilo City sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19.