Kasabay nito ang pag-oorganisa ng RMN DXCC ng kauna-unahang Radyo Trabaho ‘Giya sa Panginabuhi’ Mega Job Fair.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng City Government ng Cagayan De Oro (‘City of Golden Friendship’) at Cagayan De Oro City Public Employment Service Office (PESO).
Kaya magpunta na mamayang 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Activity Center ng Ayala Centrio Mall dahil higit pa sa tatlong libong bakanteng trabaho ang naghihintay sa lahat ng job seekers.
Maraming mapagpipiliang kompanya dahil 40 local at 10 overseas recruitment agencies ang kumpirmadong makikilahok sa Mega Job Fair.
Samantala, sinabi ni CDO PESO Job Fair Focal person Lorelie De Leon, ito ang kauna-unahang nilang pakikipagtie-up sa isang radio station.
Anya, malaking ang maitutulong ng Radyo Trabaho sa kanilang kampanya na mas marami ang mabigyan ng disenteng hanapbuhay.
Ang Radyo Trabaho ay unang ipinakilala sa DZXL 558 RMN Manila noong August 29, 2018.
Nagsimula lamang ito sa isang program block at ngayon ay kinikilala ng DZXL 558 Radyo Trabaho.