Imahe ng ‘Oplan Tokhang,’ nais ipabago ni VP Leni

Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa Philippine National Police (PNP) na baguhin ang imahe ng Oplan Tokhang.

Sa close door meeting ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, inilatag ng mga Law Enforcement Agencies kay Robredo ang kasalukuyang Anti-Illegal Drug Strategy ng gobyerno.

Ipinaliwanag din sa Bise Presidente ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.


Ayon kay Robredo, madalas kasing na-i-uugnay ang Oplan Tokhang sa Extrajudicial Killings.

Iminungkahi rin ni Robredo na gawing quarterly ang goals ng ICAD at magtakda ng mga malinaw na basehan para makita ang tunay na Estado ng drug war.

Ipinakita rin sa kanya ng PNP kung saan nagmumula ang drogang pumapasok sa bansa.

Sinabi naman ni PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, suportado nila ang paghingi ni Robredo ng suporta mula sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos.

Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang Internal Cleansing sa hanay nito habang sinabi ni Robredo na dapat isama rin sa paglilinis ang iba pang mga ahensya gaya ng Bureau of Customs.

Facebook Comments