
Nadiskubre sa pinagsanib pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang imbakan ng armas ng NPA sa Brgy. Cabatuhan, Labo ,Camarines Norte.
Ayon sa 2nd Infantry Battallion, sa nasabing lugar itinatago ng mga bandido ang kanilang mga armas kung saan galing ito mula sa impormasyon ng isang concerned citizen.
Narekober sa lugar ang 2 improvised explosive devices (IEDs), 75 walang laman na blasting caps, 78 piraso ng Nitro EM 1,500, 1 rolyo ng detonating cord, 583 rounds ng ibat-ibang klase ng live ammunition at ammunition cartridges.
Ito ang unang pagkakataon na makadiskubre ng imbakan ng armas ngayong taon mula nitong Disyembre kung saan nakarekober naman ng pinakamalaking imbakan ng armas sa Brgy. Exciban.
Samantala, nananatiling naka-deploy ang mga tropa para tiyakin ang seguridad ng komunidad at mapigilan ang anumang aksyon mula sa mga armadong grupo.










