Tumaas sa kalagitnaan ng Hunyo ang imbentaryo ng karne ng baboy sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng inaangkat sa ibang bansa.
Batay sa datos na inilabas ng National Meat Inspection Service (NMIS), umakyat ito ng 1.47% sa 50,582.75 metric tons (MT) mula sa 49,849.76 MT nitong kalagitnaan ng Hunyo.
Mas mataas ito ng 3.75% sa 48,750.22 MT na ulat sa parehong buwan nitong nakaraang taon.
Isa rin sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ng karne ng baboy ay ang pagbabawas ng pork tariff.
Facebook Comments