Imbis na kotse, karosa at bisikleta nagsilbing bridal car ng mga bagong kasal

5454
Image via Jomar Tayo Gallaza / Leizel Montero Neri

Agaw-pansin ngayon sa social media ang kakaibang konsepto ng mga bridal cars ng mga bagong kasal sa lalawigan ng Iloilo.

Sa mga litratong nakalap ng RMN Iloilo, kinagiliwan ng netizens ang sasakyang ginamit ng mag-asawang Amfe Jane Gallaza at banyagang si Martin Poulsen dahil imbes na kotse, karosa ng kalabaw papuntang simbahan.


Ikinasal ang dalawa sa Cubay Evangelical Church nitong Sabado, Hulyo 13.

Samantala, bisikleta naman ang nagsilbing bridal service ni Joram Gallaza, pinsan ni Jane, sa kanyang kasal noong Mayo 25. Pumukaw din sa atensyon ng publiko ang bulaklak na ginamit sa pag-iisang dibdib nila ni Leizel.

Mapapansin sunflower ang pinili ng dalawa kaysa rose, tulips, or calla lilies na kadalasang ginagamit sa kasal.

Sa ngayon, umani ng mahigit 30,000 shares and likes ang unique wedding themes ng mag-pinsan na Gallaza.

Facebook Comments

From Advertisers