Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang reklamong katiwalian laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sa memorandum ni Aguirre kay NBI Dir. Dante Gierran, inatasan nito ang NBI na bumuo ng special task force na mag-iimbestiga sa reklamo.
May kaugnayan ito sa iligal daw na paggastos ng Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program ng dating pangulo at ng kanyang mga opisyal.
Ang reklamo ay unang inihain sa Department of Justice ng Coalition for Investigation and Prosecution sa pangunguna ni dating Manila Councilor Greco Belgica.
Facebook Comments