Imbestigasyon hinggil sa biglaang pagsara ng Colegio de San Lorenzo, isinusulong sa Senado

Isinusulong sa Senado ang imbestigasyon sa biglaang pagsara ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.

Ito ay inihain ni Senator Raffy Tulfo ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang umano’y reckless at indiscriminate na permanenteng pagsasara ng naturang educational institution.

Ayon kay Tulfo, nagdulot ito ng matinding physical, psychological at mental effect sa mga estudyante at sa mga magulang.


Kaya para hindi maulit ang mga kahalintulad na insidente ay nais ng mambabatas na magpataw ng karampatang multa at parusa sa mga nasa likod ng paglabag sa ilang umiiral na batas.

Noong August 15 ay inanunsyo ng CDSL ang kanilang permanent closure matapos ang 34 taon dahil sa umano’y financial instability at kakulangan ng financial viability na dinulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments