Publiko, pinaghahanda sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa pagbubukas ng mas maraming paaralan sa susunod na linggo

59

Pinaghahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko lalo na ang mga motorista sa mabigat na daloy ng trapiko sa susunod na linggo.

Sinabi ito ni MMDA Traffic Discipline Office head Cris Saruca kasunod ng pagbubukas ng mga pribadong paaralan at pagbubukas muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilan pang ruta.

Dahil dito ay asahan pa aniya na madadagdagan pa ang bilang ng sasakyan sa lansangan.


Ngunit asahan na rin ang mabigat na trapiko ngayong weekend dahil sa inaasahang out of town trips ng ilang motorista dahil sa long weekend.

Facebook Comments