Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaaksyunan na nila ang mga reklamo ng customers ng J&T Express na nakatanggap ng mga produktong sira o may problema na.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, naglabas na sila ng warning sa kumpanya dahil sa epektong idinulot sa kanilang customer na ginawa ng kanilang mga tauhan.
Malaking bagay din aniya ang ini-utos na imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa reklamong kinasasangkutan ng J&T Express.
Matatandaang una nang nag-viral ang video ng mga pahinante ng J&T Express, kung saan makikitang walang pag-iingat ang mga ito sa paghawak ng cargo packages.
Facebook Comments