Planong suspendihin ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang ginagawa nilang sariling imbestigasyon sa mga umanoy naisiwalat na anomalya.
Ayon kay Ricardo Morales, ang Presidente at Chief Executive Officer ng Philhealth, ito’y para bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee, Commission on Audit at National Bureau of Investigation o NBI.
Sinabi pa ni Morales na aabangan na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon dahil naniniwala siya na dapat munang gawin ang iba pang trabaho sa Philhealth.
Kung sakali naman daw na hindi kuntento o hindi makumpleto ang resulta, muli silang magsasagawa ng imbestigasyon para matuldukan ang nasabing isyu.
Matatandaan na ilang buwan nang nahaharap sa anomalya ang philhealth ng masiwalat ang 154 milyong pisong fraudulent claims ng Wellmed Dialysis Center maging ang sinasabing mafia sa loob ng ahensiya.