IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY | DepEd, mariing kinokondena ang nangyaring panggagahasa at pagpatay sa isang grade 7 student

Manila, Philippines – Kinokondena ng Department of Education ang rape-slay sa isang Grade 7 student mula sa Tinawagan High School sa Tigaon, Camarines Sur.

Base sa incident report ng paaralan, natagpuang wala ng buhay ang bata sa taniman ng saging 50 metro ang layo mula sa kanilang tahanan.

Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima, magkasabay silang naglalakad pauwi ng kanyang kapatid nuong December 7, 2017.


Nang lumiko ito sa taniman ng saging bigla na lamang aniya itong nawala.

Sa pag aakalang nauna nang umuwi ang kanyang ate, nagdire-diretsong naglakad pauwi ang nakababatang kapatid nito kasama ang 2 nitong ka-eskwela.

Pero pagsapit ng gabi hindi pa nakakauwi ang biktima kung kayat humingi na ng tulong ang kanyang pamilya sa brgy.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon at nangako ang ahensya na tutulong sa pagdakip ng suspek.

Facebook Comments