Mas pagpapaganda pa ng imahe ng PNP, prayodidad ng bagong officer-in-charge ng DILG – PNP Chief

Manila, Philippines – Nangako ang bagong Officer in charge ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) na si Under Secretary Eduardo Año na tutulong sya para sa mas pagpapaganda pa ng imahe ng Philippine National Police.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, matapos ang kanilang unang pag-uusap nang italaga ito bilang OIC DILG.

Hindi naman tinukoy ng opisyal kung ano ang partikular na paraan na gagawin ni USEC Año para mapaganda pa ang imahe ng PNP.


Aniya nanatili ang kanyang desisyong maging walang patawad sa mga tiwaling pulis.

Kabilang dito ang apat na pulis na nasangkot sa indiscriminate firing nitong nakalipas na Christmas season.

Facebook Comments