Imbestigasyon ng AFP sa naganap na friendly fire sa Marawi City, tapos na

Manila, Philippines – Tapos na ang imbestigasyon ng binuong board of inquiry ng Armed Forces of the Phil. kaugnay sa nangyaring friendly fire sa Marawi City na ikinamatay ng 11 sundalo.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla .

Aniya sa ngayon ay nasa tanggapan na ni AFP Chief of Staff Eduardo Año ang resulta ng imbestigasyon .


Sa kasalukuyan hindi nya pa raw nababasa ang resulta ng imbestigasyon.

Posibleng si Gen. Año na aniya ang magsalita tungkol ditto.

At sya na rin ang magdedesisyon sa mga susunod na hakbang ng AFP kaugnay sa isyung ito.
DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments