Imbestigasyon ng BSP sa hacking sa halos 700 accounts sa BDO, matatapos ngayong Enero

Sa katapusan ng Enero, inaasahang matatapos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Cybersecurity Team ang imbestigasyon sa hacking sa halos 700 accounts ng BDO Unibank nitong Disyembre.

Sinabi ito ni BSP Director Mel Plabasan sa pagdinig ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Sabi ni Plabasan, kapag natapos ang kanilang imbestigasyon ay agad silang magsusumite ang report sa monetary board.


Diin ni Plabasan, karamihan sa 700 accounts ay restituted na o na-reimburse na.

Binanggit ni Plabasan na bukod sa BSP ay nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation para matukoy kung sino ang dapat managot sa nabanggit na insidente.

Facebook Comments