Manila, Philippines – Hihintayin muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang resulta ng imbestigasyon ng Civil Aeronautics Board kaugnay ng Cebu Pacific incident bago imbestigahan ang piloto ng air carrier.
May kinalaman ito sa reklamo ng mga pasahero ng naturang airline na hindi pinababa ng eroplano ng piloto ng Cebu Pacific kahit dalawang oras nang walang aircon ang aircraft matapos maantala ang paglipad nito.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, aalamin din nila kung totoong may debris na nakaharang sa runway kaya hindi agad naka-take off ang eroplano.
Una nang inatasan ng Dept. of Transportation ang CAB na imbestigahan ang nasabing insidente habang ang CAAP ay inatasang imbestigahan ang piloto.
Facebook Comments