Mga miyembro ng NPA, sumalakay sa Maasin Iloilo police station

192

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga miembro ng New People’s Army (NPA) ang police station sa bayan ng maasin sa Iloilo.

Sa interview ng RMN kay Iloilo Provincial Police Office Spokesperson, Chief/Inspector Aaron Palomo – tinatayang nasa 40 armadong lalaki ang lumusob.

Ayon kay Palomo – pinusasan ng mga rebelde ang mga naka-duty na mga pulis at kinuha ang ilang armas at isang police car.

Naniniwala si Palomo na maituturing na gawain ng mga bandidong grupo ang ginawa ng mga NPA.

Sa ngayon, pinalitan na ang hepe at mga tauhan ng maasin, police station at nakahanda na ang mga kaso laban sa mga rebelde.

Patuloy ang pagtugis sa mga ito.

Facebook Comments