Nagsimula na ngayong araw ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagsisiyasat nito sa nararanasang pagbabagal ng sistema o “system slowdown” sa Land Transportation Office (LTO) na nagpaantala sa pagproseso ng ilang mga transaksyon sa ahensya.
Tiniyak ni Engineer George Tadio, isa sa mga DICT expert, na sa gagawin nitong malaliman at patas ang pag-iimbestiga sa information technology (IT) system ng LTO sa layong matukoy ang tunay na dahilan ng pagbagal.
Ngayong araw ay nag-deploy na sila ng Mobile Security Operation Center upang masuri kung ano ang pinanggagalingan ng problema.
Posibleng bukas ay makapagbigay na ng inisyal na assessment ang DICT sa isyu ng “system slowdown.”
Muling umaapela si LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III sa publiko ng pang-unawa at paumanhin sa nararasanang mabagal na pagproseso ng mga serbisyo ng ahensya bagamat sinisikap na ring masolusyon sa lalong madaling panahon ang sitwasyon.