MANILA – Kasabay ng selebrasyon bukas (tomorrow) ng international human rights day, isinapubliko na ng Dept. of Interior and Local Government ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga human rights violations sa bansa.Sa media briefing, ipinaliwanag ni DILG ASEC Epimaco Densing III…kung ano ang ibig sabihin ng human rights at kung sino lamang ang human rights violator, partikular ang mga government state agencies tulad ng pulis.Ayon kay Densing – kung susundin ang ibig sabihin ng extra judicial killings sa bansa, sa kabuuan ay nakikita nila na“walang kaso ng ejk”sa Pilipinas.Binigyan diin nito na kung nagkaroon man ng pagpatay sa bansa, ito ay dahil sa paglabag sa batas.Bunsod nito, nagkaroon ng detektiba ang DILG na hindi na gagamitin ang terminong extra judicial killings, bagkos papalitan ito ng“extra legal killing”.Batay sa report ng DILG, mula sa dalawamput limang kaso ng umanoy EJK na inimbestigahan, dalawa lang dito ang nakitaan ng hindi pagkakatugma sa police report at investigation report.
Imbestigasyon Ng Dilg Kaugnay Sa Mga Human Rights Violations Sa Bansa – Inilabas Na, Mga Kaso Ng Extra Judicial Killing
Facebook Comments