Manila, Philippines – Hindi pipigilan ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang
ng Department of Justice na pag-aralan at imbestigahan ang kwestiyonableng
kontrata ng Bureau of Corrections at Tagum Agricultural Development Company
o TADECO na pag-aari ni Davao del Norte 2nd Representative Antonio
Floirendo Jr.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakarating na sa DOJ ang
mga katanungan ni House Speaker Pantaleon Alvarez at nakatakda na itong
bumuo ng komite na magsasagawa ng paunang imbestigasyon.
Sinabi ni Abella na layon ng imbestigasyon ay malaman ang butas o
iregularidad sa kontrata ng TADECO.
Pero sinabi din naman ni Abella na aabangan nalang nila ang magiging
resulta ng imbestigasyon ng DOJ.
Nation”
Facebook Comments