PDu30, hinamon ni Trillanes na kasuhan si Secretary Sueno

Manila, Philippines – Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong
Rodrigo Duterte na kasuhan ang sinibak nitong si Department of Interior and
Local Government o DILG Secretary Ismael ” Mike” Sueno.

Ito ayon kay Trillanes ay kung totoo ang katiwalian na ibinibintang kay
Sueno na dahilan umano ng pagkawala ng kumpyansa at tiwala dito ng Pangulo.

Dagdag pa ni Trillanes kung totoo ang alegasyon laban kay Sueno ay dapat
ilabas ang detalye nito para hindi pamarisan ng iba pang cabinet at
government officials.


Naniniwala si Trillanes na political convenience ang tunay na dahilan ng
pagsipa kay Sueno.

Sabi ni Trillanes, kaya inalis si Sueno sa DILG ay dahil mayroong nais na
ipwesto dito si President Duterte.

Patapos na kasi aniya ang election ban at sa tingin ni Trillanes ay may
ilalagay si duterte sa DILG na kandidato nitong nagdaang 2016 elections.

Nation”

Facebook Comments