Imbestigasyon ng House Quad Comm ukol sa isyu ng POGO, hindi pa tinatapos

Hindi pa ganap na tutuldukan ng House Quad Committee ang imbestigasyon nito ukol sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at mga krimen na konektado rito.

Pahayag ito ni Quad Comm overall Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers bilang paglilinaw sa una niyang pahayag na tatapusin na ng komite ang pagdinig sa isyu ng POGO.

Ayon kay Barbers, inirekomenda ng mga kasamahang niyang kongresista na namumuno sa quad committee na ituloy pa rin nila ang hearing ukol sa POGO.


Sabi ni Barbers, ito ay mayroon pang dalawang testigo na nais humaharap sa kanilang pagdinig.

Naniniwala si Barbers na mahalaga rin ang ilalahad na impormasyon ng nabanggit na mga testigo.

Facebook Comments