Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ni Pangulong Duterte, pansamantalang sinuspinde

Pansamantala munang isinuspinde ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon laban sa crime against humanity ng war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sumulat si Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay ICC Prosecutor Karim Khan na humihiling na itigil na ang imbestigasyon.

Paliwanag ni Khan, hindi muna sila magsasagawa ng imbestigasyon habang pinag-aaralan ang lawak at epekto ng nasabing sulat.


Gayunman, patuloy pa rin aniya nilang susuriin ang mga impormasyong hawak na nila.

Una nang sinabi ni Malaya sa kaniyang liham na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ating otoridad kaugnay ng anti-narcotic operations sa bansa, alinsunod sa mga nauugnay na pamamaraan.

Facebook Comments