Imbestigasyon ng Kamara sa NGCP, kinontra ng isang kongresista

Kinuwestyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang layunin ng imbestigasyon ng House Committee on Legislative Franchises ukol sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Para kay Rodriguez, wala ng dahilan para magsiyasat pa ang Kamara matapos sabihin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na nasunod o natupad naman ng NCGP ang responsibilidad na nakapaloob sa prangkisa nito.

Ayon kay Rodriguez, kinumpirma din ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Mona Dimalanta na natutupad din ang NGCP ang tax responsibilities nito.


Giit pa ni Rodriguez, hindi rin dapat sisihin ang NGCP sa 5 taong pagka-delay ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) na nagkaproblema sa right of way issues sa isang golf course.

Sa halip ay nagpasalamat pa si Rodriguez sa NGCP sa pagkumpleto MVIP na syang dahilan kaya maraming kompanya ang naglalagay ng power generation plants sa Mindanao dahil makakapagbenta na sila sa Luzon at Visayas kapag may sobra silang capacity.

Facebook Comments