Inirekomenda ni Albay Represenative Joey Salceda na isantabi muna ng Kamara ang imbestigasyon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang rekomendasyon ay kasunod ng paghahain ni Cavite Representative Elpidio Barzaga ng House Resolution 643 na nagpapaimbestiga sa PHIVOLCS kaugnay sa kawalan nito ng warning sa pagputok ng Bulkang Taal sa kabila ng mga volcanic activities na naitatala mula noong isang taon.
Ayon kay Salceda, sa halip na imbestigahan ang PHIVOLCS ay tulungan na lang ng Kongreso ito.
Payo ni Salceda, iwasan na muna ang imbestigasyon dahil abala din ang mga otoridad sa pag-tulong.
Hindi aniya dapat minamaliit ang kakayahan ng mga otoridad lalo pa at lahat ay talo sa pinsalang dulot ng Taal Volcano.
Muli ring ipinanawagan ng kongresista na madaliin na ang pagapruba sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilient (DDR).