Imbestigasyon ng Malakanyang sa sinuspindeng ERC chairman, pinamamadali na

130

Manila, Philippines – Pinamamadali na ng Senado ang Malakanyang sa imbestigasyon nito kay Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar.

Kasunod na rin ito ng ipinataw na siyamnapung (90) araw na suspension kay ERC Chair.


Ayon kay Senate Committee on Energy Chairman Sen. Sherwin Gatchalian, dapat samantalahin ang suspension kay Salazar upang mabilis na maisagawa ang imbestigasyon.

Si Salazar ay sinuspindi ng Malakanyang bunga ng kanyang mga kinakaharap na kasong administratibo tulad ng dishonesty at grave misconduct.

DZXL558

Facebook Comments