Imbestigasyon ng MPD sa pagkamatay ng 1st year law student ng UST dahil sa hazing, pinalawak

Manila, Philippines – Ipinag-utos ngayon ni MPD District Dir. P/Chief Supt. Joel Coronel na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente ng pagkakapaslang kay Horacio Tomas Castillo III, 22-anyos, at Law student ng UST.

Ayon kay Coronel, partikular na pinakilos na nito si Chief Inspector Rommel Anicete ng Homicide Section upang makipag-ugnayan sa District Police Intelligence Operating Unit, District Special Operation Unit, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) at maging sa Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Paliwanag ng opisyal, kailangan din umano na agad makipag-ugnayan ang pulisya sa pamunuan ng UST, pamilya ng biktima, at maging sa mga kaklase at kaibigan ni Castillo upang makakalap ng mga ebidensiya na maaaring makatulong sa pagresolba ng kaso.


Wala pa aniyang lead ang pulisya kaugnay sa mga suspek sa krimen at umaasa ang MPD sa magiging sinumpaang salaysay ng mga magulang ni Castillo na under oath na maglalaman ng huling lokasyon ng biktima at kung sinu-sino ang huling kasama nito.

Facebook Comments