Imbestigasyon ng NBI sa 52 kasong may kinalaman sa iligal na droga, tuloy pa rin!

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na itutuloy ang pagsusuri sa 52 kasong may kinalaman sa iligal na droga na nagresulta ng pagkakasawi ng 56 katao.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, bagama’t may kaparehong imbestigasyon dito ang Philippine National Police (PNP), makabubuting gumawa rin sila ng imbestigasyon hinggil dito.

Nitong Hunyo, ipinasa ng PNP-IAS sa Department of Justice (DOJ) ang pagsusuri sa kaso na inilipat naman sa NBI para sa case buildup.


Habang noong November 3, lumagda ng kasunduan ang NBI at PNP kung saan magtutulong ang dalawang ahensiya para gumawa ng ebalwasyon sa mga anti-illegal drug operations.

Facebook Comments