Lalaki na HVT, Huli sa Buy Bust Operation; Baril, Nakumpiska

43

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Purok 7, Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Ernesto Ogoy, 49-anyos, kabilang sa itinuturing na High Value Target (HVT) ng PNP at PDEA at residente ng Barangay Bustamante, Luna, Isabela.

Dinakip si Ogoy matapos umanong mabentahan nito ang isang poseur buyer ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu.


Nakuha rin mula sa suspek ang isang piraso ng genuine Php 1,000.00 bill at limang (5) piraso ng tig-isang libong piso na boodle money, pera na nagkakahalaga ng Php422.00, ID cards, isang (1) Cal.38 na baril at tatlong (3) piraso ng bala ng nasabing kalibre at isang unit ng motorsiklo.

Ang operasyon ay isinagawa ng PNP Cauayan, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Isabela Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit- PRO2, Region Group on Special Concern (RSGC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Region 02.

Nasa pangangalaga na ng Cauayan Police Station ang suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms at Ammunition Regulation Act.



Samantala, tatlo (3) pang drug personalities ang nahuli rin ngayong araw, Nobyembre 29, 2021 sa magkahiwalay na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Santiago City.

Ang mga suspek ay parehong nasa kustodiya ng Santiago City Police Station 1 at 2 para sa tamang disposisyon.


Facebook Comments