Buo ang suporta nina Senators Richard Gordon at Panfilo Ping Lacson sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na lamang sa National Bureau of Investigation o NBI ang pag-iimbestiga sa nangyaring ambush kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.
Para kay Gordon, magandang hakbang ito ng Pangulo para matiyak na mag-kakaroon ng patas na imbestigasyon.
Bukod dito ay muling iginiit ni Gordon ang mungkahi niyang ihiwalay na ang Internal Affairs Service o IAS mula sa pambansang pulisya.
Diin naman ni Senator Lacson tama ang ginawa ng Pangulo at makabubuti rin na isama ng NBI sa imbestigasyon nito ang iba pang high-profile killings na kinakasangkutan ng mga elected officials.
Kumbinsido din si Lacson sa sinabi ng Pangulo na hindi imposilbleng may mga pulis na sangkot sa pagpaslang kay Navarro lalo pa at maraming kaso ng pagpatay sa mga narco-politicians ang hindi pa rin nareresolba.