Imbestigasyon ng NBI sa isyu ng “hospital pass for sale” sa NBP, tinatapos na

Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation o NBI sa isyu ng “hospital pass for sale” sa New Bilibid Prison o NBP na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections o BuCor.

Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na minamadali na ng NBI ang kanilang imbestigasyon upang sa lalong madaling panahon ay makapag-sumite na ng report kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Pero sa ngayon, sinabi ni Lavin na hindi muna maglalabas ng “timeline” ang NBI kung kailan matatapos ang imbestigasyon.


Aniya, iniiwasan ng NBI na masakripisyo ang kanilang investigative quality para lamang makapagpalabas ng mabilising report.

Una nang nabunyag sa Senate hearing ang sinasabing bentahan ng hospital pass sa mga inmate ng Bilibid na nagkukunwaring may sakit, para lamang makalabas sa kanilang kulungan.

Facebook Comments