Imbestigasyon ng NBI sa PhilHealth anomaly, tututok sa lifestyle check ng mga opisyal at empleyado nito

45

Pangunahing tututukan ng Task Force-PhilHealth ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-audit sa Philippine Health Insurance Corporation finances at pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal at kawani nito.


Ang Task Force-PhilHealth ay binubuo ng mga ahente at imbestigador mula sa NBI Anti-Graft Division, Anti-Fraud Division, Special Action Unit, Computer Crimes Division, Special Operations Group, at Digital Forensic Laboratory.

Ang task force ay pamumunuan naman ni NBI-NCR Regional Director Cesar Bacani, sa ilalim ng superbisyon ni Deputy Director for Regional Operations Service Antonio Pagatpat at ni Deputy Director for Investigation Service Vicente De Guzman III.

Ang Task Force-PhilHealth ay makikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) para sa progress o itinatakbo ng pagsisiyasat.

Matatandaan na noong nakalipas na taon, inimbestigahan din ng NBI ang isyu ng ghost dialysis fees kung saan dawit din ang PhilHealth at ang WellMed Dialysis and Laboratory Center Corporation.

Facebook Comments