Nanay, pinagbabaril sa gitna ng online class ng 10-anyos anak

3206
Getty Images

Patay ang isang ginang matapos pagbabarilin habang nakasalang ang 10-anyos na anak na babae sa unang araw ng online class sa Florida, USA.

Saksi ang guro ng bata sa pamamaril kay Maribel Morales-Rosado, 32, ng dating nobyo na si Donald Williams, 27, sa kanilang bahay sa Indiantown nitong Martes.


Batay sa guro sa ulat ng Treasure Coast News, nasa kasagsagan sila ng klase via Zoom nang marinig na may nagaganap na pagtatalo mula sa bahay ng bata.

Inilagay ng guro sa mute ang background ng 10-anyos upang walang ibang makarinig ng pag-aaway, hanggang sa nakita niyang nagtakip ng tainga ang bata.

Kasunod nito, namatay na ang screen ng babae dahil tinamaan umano ng bala, ayon sa awtoridad.

Bukod sa estudyante, mayroong lima pang bata na nasa bahay nang mangyari ang krimen.




Lumabas sa imbestigasyon na kinompronta ni Williams ang biktima tungkol sa isang video sas Facebook, bago pinaputukan ng baril na marahil umano ay nakaw lang.

Nagawa pang tumakas ng suspek gamit ang bisikleta bago sumakay sa bus, ngunit nadakip din sa tulong ng driver.

Nahaharap si Williams sa kasong first-degree murder.

Facebook Comments