Manila, Philippines – Target tapusin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Nakatakdang ipapatawag ang misis nito Chairman Andy na si Patricia Paz Bautista para sa karagdagang testimonya.
Sa affidavit, sinabi ni Patricia na may mga tseke at commission sheets para kay Chairman mula sa Divina law firm.
Itinanggi naman ng poll body chief na tumanggap siya ng referral fees mula sa Divina law office.
Iginiit din ni Bautista – na hindi sikreto ang pagpupulong niya sa mga opisyal ng Smartmatic sa Amerika.
Hinala ng Chairman, kakilala ng kanyang misis ang sinasabi nitong ghost employees sa Presidential Commission on Good Government.
Ayon pa kay Bautista – kung mayroon siyang ilegal na pera at umabot ito sa isang bilyong piso ay bakit ito hinahangad ng kanyang asawa.
Nilinaw din nito na ang iba pang perang sinasabing nasa kanyang pangalan ay pag-aari ng kanyang mga kapatid at magulang.
Kapag napatunayan na mayroon isang one-billion ill-gotten wealth ay ibibigay niya ito sa kanyang misis.
Samantala, hindi naman maaring magsampa ng kaso ang NBI sa isang public official na impeachable gaya ni Bautista.
Handa naman ang NBI na iturn-over ang resulta ng imbestigasyon kung magsasagawa ng inquiry ang Kongreso.