Imbestigasyon ng PCG kaugnay sa Recto Bank incident, isinasapinal na

Isinasapinal na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang imbestigasyon nito hinggil sa banggaan sa Recto Bank.

Ayon kay PCG Deputy Commander for Maritime Command, Captain Christopher Villacorte – pinag-aaralan na ng marine casualty investigation service ang collision regulation at sea convention para malaman kung may nilabag bang alituntunin  sa nangyaring insidente.

Kinakailangan aniyang mapakinggan ang panig ng China.


Plano rin ng PCG na paigtingin ang pagbabantay.

Maliban sa dagdag na kagamitan, pinag-aaralan nito ang lateral entry kung saan maaaring kumuha ang PCG ng tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinakailangan ng PCG ng 40,000 tauhan dahil 12,000 lamang ang mayroon sila.

Facebook Comments