MANILA – Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa extra-judicial killings.Ito ang tiniyak ni Senador Richard “Dick” Gordon, bagong Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights matapos patalsikin si Senador Leila De Lima bilang Chairman ng komite.Ayon kay Gordon, magiging sentro ng pagdinig ang mga kaso ng pagpatay sa mga suspek sa operasyon ng droga na umano’y nanlaban sa mga pulis.Habang aalimin din kung ano na ang maaring gawin kay Edgar Motabato at sa mga testimonya nito.Samantala, nilinaw ni Senate Majority Leader Tito Sotto, na hindi planado ang pagpapatalsik kay De Lima.Ikinalungkot naman ang mga kapartido ni De Lima sa Liberal Party dahil hindi sila nakonsulta ng mga kasamahan sa super majority sa senado hinggil dito.Sa ngayon, hindi malinaw kung dadalo bukas (araw ng Huwebes) sa pagdinig ng Committee on Justice ang mga testigong nakalinya na dating hawak ng komite ni De Lima.
Imbestigasyon Ng Senado Kaugnay Sa Extra-Judicial Killings, Tuloy Bukas
Facebook Comments