Tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa naganap na “misencounter” sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mall sa Quezon City na ikinasawi ng apat na katao.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald “Bato” dela Rosa, bagama’t una nang kinansela ang nakatakdang imbestigasyon ng komite sa nasabing insidente ngayong araw ay pagbibigyan pa rin nila ang kahilingan ng Malakanyang na ipagpaliban muna ang Senate inquiry.
Ito ay para bigyang daan aniya ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na mapagtuunan ang mga sangkot sa insidente.
Matatandaang una nang nanawagan si Senador Risa Hontiveros na ipaglaban ng Senado ang pagiging independent nito at karapatan na imbestigahan ang nasabing engkuwentro.