Joakim Noah, nagretiro na sa NBA

41

Tuluyan ng nagretiro sa National Basketball Association (NBA) si star Joakim Noah dahil sa injury at pagbaba ng kalidad ng laro nito.

Inihayag ni Noah ang kanyang pagreretiro sa pamamagitan ng social media matapos ang paglalaro ng tatlong season sa NBA.


Pinasalamatan ni Noah ang kanyang mga nakasama sa NBA na naging sandigan niya sa kanyang career.

Sumikat si Noah sa paglalaro sa Chicago Bulls nang ma-draft ito noong 2007.

Taong 2016 nang malipat ito sa New York Knicks kung saan naging limitado ang laro nito bunsod ng injury at 20-game suspension dahil sa doping violations.

Noong 2018 hanggang 2019 ay kinuha ito ng Memphis Grizzlies at pumirma ng maikling kontrata sa Los Angeles Clippers pero agad ding nai- waive ng koponan.



Facebook Comments