MANILA – Nawala na ang “tiwala at respeto” ng publiko sa pambansang pulisya.Ito ang binigyan diin ni Sen. Panfilo Lacson sa pagbubukas ng senado sa imbestigasyon kaugnay sa insidente ng kidnap for ransom kung saan nasasangkot ang ilang pulis.Sa pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Lacson – sinabi nito na sapat na upang mawalan ng tiwala at respeto ang pnp dahil sa ginawang pagpatay ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel sa negosyante si Jee Ick Joo.Agad naman nagpahayag si PNP Chief Ronald Dela Rosa ng pagkahiya sa pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan at pakikiramay sa pamilya ni Joo.Tiniyak din ni Bato sa Korean community na mareresolba ang kaso ni Joo at mapaparusahan ang mga suspek.Kinumpirma din ni Dela Rosa na hindi kasama si Joo sa listahan ng may iligal na aktibidad sa bansa.
Imbestigasyon Ng Senado Kaugnay Sa “Tokhang For Ransom” – Umarangkada Na
Facebook Comments