Imbestigasyon Ng Senado Sa “Tokhang For Ransom”, Sisimulan Na Bukas

2

MANILA – Sisimulan na bukas (January 26) ng senate committee on public order and dangerous drugs ang imbestigasyon sa “tokhang for ransom” ng mga tiwaling pulisAyon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng komite, kailangan na itong imbestigahan para makalampang ang pambansang pulisya.Kabilang sa iimbitahan sa pagdinig si PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.Ipapatawag din ang mga pulis na inakusang sangkot sa tokhang for ransom sa pangunguna ni SPO3 Ricky Sta Isabel na itinuturong isa sa mga dumukot at pumatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Imbitado rin si Teresita Ang-See, tagapagsalita ng Chinese community na nagsumbong kay lacson na may anim na tsinong nabiktima ng tokhang for ransom sa Binondo, Maynila.

Facebook Comments