Ncrpo Chief Director Oscar Albayalde, Kinumpirma Na May Nagaganap Na Tokhang For Ransom

22

MANILA -Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde na may nagaganap na “tokhang for ransom”.Ayon kay Albayalde, mayroon silang impormasyon na may taong nakakatanggap ng tawag at pananakot, na sinabing nasa listahan umano sila ng isasailalim sa oplan tokhang.Bukod sa Binondo, nagaganap din anya sa ibang lugar ang tokhang for ransom.Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi naman sa lahat ng oras ay pulis ang gumagawa nito dahil nagpapanggap lang ang ilan.Kasabay nito, pinaalalahanan ni Albayalde ang publiko na agad na ipagbigay alam sa mga otoridad kung may matatanggap na mga ganitong klaseng tawag.

Facebook Comments