Imbestigasyon ng Senado sa umano’y overpriced COVID-19 essential, tinawag na fishing expendition ni Pangulong Duterte ngayong papalapit na ang 2022 presidential elections; Sen. Gordon at Drilon, binanatan!

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa COVID-19 funds ng Department of Health at umano’y overprice na mga medical supplies.

Tinawag ng Pangulong Duterte na ‘fishing expedition’ lang ang ginagawa ng mga mambabatas na Senate inquiry lalo na ngayong papalapit na ang 2022 presidential elections.

Banat ni Duterte kay Opposition Senator Franklin Drilon, kung talagang inu-ungkat nito ang isyu sa korapsyon, dapat din niyang ipaliwanag ang koneksiyon niya kay Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles at dating Iloilo Mayor Jed Mabilog.


May hirit din ang pangulo kay Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon kung saan tinanong nito ang kaugnayan ng senador mula sa ilang Chinese businessmen sa Subic at sa sinibak na dating police officer na si Eduardo Acierto na sangkot naman sa pagpupuslit ng 1,000 piraso ng AK-47 na napunta sa New Peoples Army.

Facebook Comments