Imbestigasyon ng UN special rapporteur, hindi pipigilin ni PAO Chief Acosta

Manila, Philippines – Welcome para kay Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Rueda Acosta ang pag-iimbestiga ng UN special rapporteur sa umanoy extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Acosta sa briefing dito sa Malacanang, bukas naman ang Pilipinas sa imbestigasyon.

Pero ang kailangan lang aniya ay patas ang gagawin imbestigasyon ni special rapporteur Agnes Callamard.


Binigyang diin pa nito na wala namang ikatatakot ang pamahalaan sa imbestigasyon dahil wala namang ginagawa na labag sa saligang batas at sa mga umiiral na batas ang gobyerno.

Patunay aniya dito ang pagsasampa ng kaso sa mga pulis na nagkamali at pagtanggal sa serbisyo sa mga ito.

DZXL558

Facebook Comments