Miyembro ng Civil Security Unit, binaril ang isang tricycle driver

56

General Santos City, Philippines – Sugatan ang isang tricycle driver matapos itong binaril ng isang miyembro ng Civil Security Unit (CSU) habang nasa loob ng compound ng Dr. Jorge Royeca Hospital dito sa lunsod dahil lang sa away sa parking area.

Kinilala ang biktima na si Christian Ramirez Caparos, 32, at residente ng barangay Bawing Gensan.

Base sa report, naghahatid lang sana ng pera ang biktima sa kanyang misis dahil naka-confine ang kanilang anak sa Dr. Jorge Royeca Hospital nang pinarada nito ang kanyang tricycle sa parking area, agad siyang sinita ng CSU na si Abdul Pata Abada.

Pinaalis ito ng suspek na naging dahilan ng pagtatalo ng dalawa.
Doon bumunot ng baril ang suspek at binaril ng dalawang beses ang driver, agad naman itong tumakas sakay ng kanyang single na motorcycle habang ang biktima naman ay agad na dinala sa emergency room ng nasabing ospital.
Sa ngayon, pinaghahanap pa ang nasabing suspek habang ang biktima naman kasalukuyan pang naka-confine matapos itong nagtamo ng sugat sa kanyang mukha at sa kanyang braso.

DZXL558

Facebook Comments