Imbestigasyon ng UNHRC sa EJK sa ilalim ng war on drugs, hindi dapat iniilagan ng gobyerno

Dapat na maging bukas ang pamahalaan sa hirit na imbestigasyon ng UN Human Rights Council kaugnay ng umano’y mga kaso ng extra-judicial killings sa gitna ng war on drugs ng administrasyon.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Vice President Leni Robredo – kung hindi totoo ang akusasyon, dapat itong patunayan sa pamamagitan ng imbestigasyon.

Ayon pa sa Bise Presidente, nakakalungkot na mas concern pa ang ibang bansa sa nangyayari sa Pilipinas.


Dismayado rin si Robredo sa naging pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi maiiwasan ang collateral damage sa mga operasyon ng PNP.

Aniya, dapat na maging wakeup call sa lahat ang pagkamatay ng tatlong taong gulang na babae matapos madamay sa anti-drug operation sa Rodriguez, Rizal noong July 2.

Samantala, welcome naman daw sa PNP ang hirit ng Iceland na imbestigahan ng UN ang umano’y EJK sa bansa.

Pero ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac – mas mabuting gawin ang imbestigasyon dito sa Pilipinas.

Facebook Comments