Terrence Jones, nag-‘triple-double’ para idispatsa ang Blackwater

Nakamit ng TNT Ka-Tropa ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos gibain ang Blackwater Elite sa iksor 115-97 sa PBA Commissioner’s Cup.

Best player of the game si Terrence Jones na may 36 points, 16 rebounds at 14 assists, ikatlo na sa kanyang triple-double sa conference.

Ayon kay Jones – solid ang chemistry ng kanilang koponan.


Samantala, panalo ang team Lunas Kalusugan kontra DZXL RT Xanthone Plus sa score na 102-51 sa third day ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament na ginanap sa Guadalupe Nuevo Gym sa Makati City nitong Sabado.

Naging dikitan din ang laro sa pagitan ng RMN Head Office kontra Gentle Hands Holistic Wellness Center sa second game kung saan nanalo ang Gentle Hands sa score na 70-62.

Mapapanood naman sa susunod na Sabado sa Guadalupe Nuevo Gym ang laban sa pagitan ng DZXL RT Xanthone Plus at DWWW/iFM sa first game, alas-2:00 ng hapon na susundan ng Lunas Kalusugan at RMN Head Office sa second game.

Facebook Comments